Sa ikalabing-siyam na siglo, ang bansang Hapon ay nakaranas ng panloob na kaguluhang politikal at panlabas na pangingikil ng mga dayuhan. Sa katagal-tagalan ang Shogun ang namumuno ng bansa, habang ang Emperador ay simbolo lamang ng liderato. Ang istrukturang politikal ay magsisimulang mabago sa panahong ito.
Ang kasaysayan ng
Shinsengumi ay nagsimula noong
1863, nang ang karamihan nila ay sumali sa
isang grupong tinatawag na Roushitai.
Ang grupong ito, Roushitai, ay nagpunta sa
Pagkatapos makuha ang suporta ng Aizu, ang isang opisyal na sektor na protektor ng Shogunato nuong ikalabing-walo ng Agosto, 1863 ang grupong ito na bumalikwas sa Roshitai ay pinangalanan na Shinsengumi (Bagong Pili na Grupo). Ang unang hepe ng Shinsengumi si Serizawa Kamo ay pinatay ng kanyang mga tauhan. Si Kondou Isami, isang may-ari ng dojo (eskwelahan ng eskrima sa Hapones) at isang guro ng eskrima mula sa Tama (probinsya ng Edo, ngayon ay Tokyo) at ang kanyang kaibigan na si Hijikata Toshizo, sunod na hepe, sa kanilang pamumuno ay inayos muli ang grupo at nagsimula silang lumibot sa lungsod ng Kyoto upang supilin ang laban at kontra sa pamumuno ng Shogunato.
Ang pinaka kilalang gawain ng Shinsengumi ay ang paglusob sa Ikedaya Inn nuong Hunyo Singko, 1864, kung saan nagtagpo ang mga rebolusyonaryo upang iplano ang pag-sunog at pag-agaw sa Emperador. Ang mga rebulosyonaryong ito ay nahuli at ang iba ay napatay.
Nuong 1867, ang kabuuan ng Shinsengumi ay nalagay sa peligro nang humiwalay ang ilang miyembro at sumama sa “Itou Affair”. Ang mga taong humiwalay ay tinapos nang kalaunan.
Nuong 1868 ang Shogunato ay sumali sa isang bukas na pakikipaglaban sa mga Imperyal na grupo na binubuo ng Satsuma, Choshu at ang probinsya ng Tosa. Ang Shinsengumi ay naging bahagi ng hukbong sandatahan ng Shogunato at lumaban sila sa lugar ng Toba at Fushimi (labas ng Kyoto), Nagarayema kung saan nahuli at pinugutan ng ulo si Kondou Isami, Aizu at sa Hakodate (Isla ng Hokkaido) nuong 1869 kung saan napatay si Hijikata Toshizo
Kahit na ang kanilang pinanggalingan ay masasabing mababa, tulad ng samurai na walang maestro, magsasaka o mangangalakal, nakagawa sila ng pangalan at reputasyon na kasing galing ng sinumang bantayog na mandirigma sa kasaysayan ng Hapones. Dahil sila ay lumaban sa panig ng mga natalo sa Boshin war, sila ay napasama, ngunit salamat sa popular na pagpapahiwatig, sila ay muling nakikilala ngayon.
Upang maintindihan ang kahalagahan ng maliit na grupong ito, kailangan kalugdan ang mga gawaing pampanitikan kasabay ng maingat na pagsusuri ng kanilang masalumuot na kasaysayan.